On motherhood…

BATA PA SI NENE

Part 1

Dito sa bansa natin maraming mga kababaihan ang napapasabak na mag-asawa ng maaga, samu’t saring dahilan pero kadalasan ay dahil buntis na si nene. Isa ako sa mga babaeng nagkamaling mag-asawa ng maaga pero hindi dahil nabuntis ako kundi dahil natakot ako ng makita ako ng ni papi dawg na naglalakad na kaholding hands ang ex ko at alam ko mahabang sabunan na walang banlawan na naman aabutin ko sa kanila ni maderlily. Hay, mabait na strict kasi ang parents ko. kaya naisipan ko maglayas at sa kasamaang palad nang dahil sumama ang ex ko sakin eh, naging tanan ang wagas sana na pangarap kong maging stowaway.

Naisipan kong magsulat tungkol sa realidad ng maagang pag-aasawa dahil na rin may mga anak ako na nagdadalaga na at sa totoo lang, di ko alam kung ano ang dapat gawin. Sabi nila sex education should also be taught at home. So, bilang nars naisipan ng yours truly na mag-ala-endorser ng RH bill at magturo ng sex education sa anak.

Uhmmm, ehemmmm, ahhhmmm anak, okay lang sakin magboyfriend pero alam mo na mga bata pa kayo at…avah! at nagmamadali sumagot na ”alam ko un, ma.” (ayan kasi stating the obvious. Buti na lang di ka sinampal ng birth certificate niya.) eh, kasi anak, ang lalaki, iba iyan sa babae (pak! Isa pa at masasapak ka na!)

kaya bago ko pa maisipang iumpog ang ulo ko sa pader sa mga kashongahan na lumalabas sa bibig ko, go straight to the point na ako. Anak, di ko sinasabing gagawin mo pero nasa edad ninyo ang maging mapusok at nakita mo naman siguro mga teenagers na iba, ang aga aga nagsisibuntis… At bago ko pa madugtungan, nakita ko ang dowter ko (Mara, ikaw ba iyan? Background music please…Mara Clara♫ ♫…) na humahagulgol habang dumadaloy ang magkasamang luha at sipon, sabay bitiw sa linyang ”alam ko yun, ma pero sa tingin mo ba gagawin ko yun? Ganun na ba tingin mo sakin? Wala ka bang tiwala sakin? At di tulad ng ibang lalaki ang boyfriend ko!” (Oo na, ako na ang kontrabida! Toink, toink, toink! Ayan, napala! andumi kasi ng utak!) okay, fine! Suko na ko! English na lang talaga ituturo ko. Buset! Kelan ba beatification niyang boyfriend mo? Imbitahan mo na lang ako.

So, dito na lang ako magmamaganda…

Early pregnancy, early marriage… From someone na papunta ka palang, pauwi na!

Ready ka na? Close your eyes, me kuwento ako. Imaginin mo na ikaw ang bida dito.

Part 2

scenario 1

Preggo si gurlalu. Nashokot si boylet at sa takot nag-ala micheal scofield sa prison break na tumakas. So, ang kawawang si nene. Nagsolo sa problema. Not to worry dahil sa kulturang pinoy kahit pa lunukin ka nang buong buo ng mga chismosa at chismoso ng bayan habang pinagpipiyestahan ka nila na parang lechon ni aling Mila habang isinasawsaw sa sarsa ni Mang Tomas–sasaluhin ka pa rin ng pamilya mo pero huwag kang umasang ipapalimot nila yun sayo. Ano ka sinusuwerte?

Kapag nakapanganak ka na, di ka na puedeng mag-inarte na parang dalaga kasi nanay ka na pero kung trip mo pa rin, why not chocnut pero beware sa mga taong mapanghusga, binabantayan nila bawat kilos mo. Malamang nagsasawa na sila sa kakataya sa lotto, jueteng, jai alai at ending kung kaya’t pinagpupustahan naman nila ngayon ay kung kelan ka ulit madidisgrasya. Oh, huwag nang umangal, isipin mo na lang napapasaya mo na, kikita pa sila sayo.

Now, ang masaklap talaga yung pagdating ng time na may makilala ka na magtututoo sayo (naisip ko lang, pano itranslate ng literal sa Ingles ang sentence na iyan, will be realing you o baka, will be truing you?) problema pa din, di ba? Pano ang anak mo? Adjust dito, adjust doon ang drama ng buhay mo. Ang masakit nito yung maririnig mo (sa ibang tao o sa pamilya niya at kung papalpak ka pa ulit, pati sa asawa mo) na masuerte ka at pinatulan ka pa. At wala silang pakialam kahit pa mala-Helen of Troy ka kaganda at ang lalaki ay guapo lang nung di pa uso ang tao. Anyway, keep hoping for the best, may matitino pa din na mga lalaki.

Part 3

Scenario 2

Early marriage after ang mala-Romeo and Juliet na love story with matching theme song pa na you and me against the world sa background. Pinakasal ng magulang para makaiwas sa chismis lalo pa buntis na si babae tapos bahala na, siguro makikitira na lang sa bahay ng magulang. Kung sa pamilya ng lalaki, kelangang mag-adjust ka, di na puedeng mag senorita. Kailangan tumulong sa bahay, matuto makisama. Kapag sa pamilya mo, kaw pa din mag-aadjust, hija. Ipapakisama mo ang asawa mo. Kelangan matuto ka magbalanse, kung malakas kumain si Romeo, pag-aralan mong magkendi na lang (nakakabusog din naman yun sabayan mo na lang ng isang galon na tubig) at patago mong ipakain kay Romeo ang pagkaing para sayo para di naman masabi ng magulang mo na mukhang masyadong napapagod ang asawa mo sa paghiga maghapon kaya napapalakas ang kain.

Now, kung magsasarili naman kayo, kelangan mag-adjust din. Huwag umasa na sa condom este sa condo ka ititira. Malamang sa hindi, titira ka sa bahay ng posporo. Pasalamat ka pa din kasi may bahay ka na. Uy, di ka na princesa, reyna ka na! Blag! Blag! Blag! Magpakatotoo ka sister, asawa/katulong ang bagong role mo! Ang kinainan kailangan hugasan, maglaba, maglinis ng bahay,magluto, magplantsa, etc., di na tulad dati may maaasahan ka na gagawa ng mga yun pero nasa sayo din yan dahil walang magbabawal sayo kung mahihiga ka na lang at matutulog maghapon. Malay mo, dumating ang fairy godmother mo at aregluhin lahat.

Eto ang worst part, buntis ka kaya bawal gumimik so mega wait ka kung kelan puputok yung tiyan mo (plastic balloon ba to???) kaso after mo magwala at magtutuwad sa labor at panganganak , saka mo narealize na mas lalong di na puede, nanay ka na. At gustuhin mo man kalimutan yun, oras oras ka ireremind ng anak mo na nakalunok ata ng megaphone sa tindi maka-atungal.

Teka, asan na pala si Romeo? Wow, masaya pa din ang buhay dahil nakakagimik pa,habang nasa bahay ka at nagpapasuso ng anak. Oopppsss, adbays lang pala kung magbebreastfeed ka which I know gagawin mo dahil mahirap ang buhay ngayon, no? konting alalay kasi baka lumaylay, wala kasing nabibiling tungkod sa pilay na suso. Huwag mo ring pabayaan ang katawan mo, dahil kangaroo lang ang dapat me pouch after manganak at ilagay sa isipan na ang boobs ay isang set lang at dapat nasa dibdib mo sila. Sabagay, may bentahe din iyan, puedeng maging platform ng anak mo habang karga karga mo, kontra ngalay. Huwag ka lang iiyak if isang araw mapuna mo na ayaw ka nang kasamang maglakad lakad ng asawa mo at iniiwasan niyang mahawakan ang bilbil mo. Kaya nga tinawag na love handles iyan, only the person who really loves you can handle those.

Tsk, tsk, teenager ka palang mukha ka ng matrona habang si Romeo, di nagbago. Malamang di mo na rin gustong tignan ang katawan mo sa salamin,no? Last time mo kasing ginawa, natakot ka sa nakita mo. Why ohh why!?! nagkaroon ka na nga nang mapa sa tiyan, meron pang mga part na tila pipelaying project ng Maynilad na matindi ang pagkakahukay. Pinilit mo na lang pakalmahin ang sarili at kalimutan ang katotohanang isa ka ng walking canvas, abstract kung abstract!

Siyanga pala, me bagong hobby ngayon si Romeo, planking. Ang siste, huli na ng malaman mo na kapag nagpaplanking siya magkatandem sila nung sexy niyang classmate at dun sila sa korte ni Victoria nagpapractice… shhhhh!

Ang sakit sa bangs na tumatagos sa lalamunan! Awts!!! Now you know why ayaw ng ipahawak sayo yung cp niya at nakalock pa! Restricted ka na din sa wall ng facebook niya after palitan ang password na gamit niya nung gf ka pa lang. Di ba dati siya pa ang nagbitiw ng pamatay na linyang ”you show me yours and I’ll show you mine?”

Kaya pala dinedma ka lang nung naghimatay-himatayan ka. Nasa labas pa naman kayo ng house at napilitan kang tumayo after 5 minutes dahil lumayas na siya at tatawag na ng SOCO ang mga tao sa paligid mo. Natatandaan mo ba nung sabi mo magpapakamatay ka habang hawak ang blade? Nagmamadali niyang kinuha ito at inabutan ka ng bago, mapurol na daw kasi ang hawak mo.

Oh, kay saklap! Gora sa mga amiga! Emote to death at para maging masaya sumama ka pang gumimik, later narealize mo na iba na pala mundo mo sa kanila. Una, Nagshower ka naman, binudbod mo pa nga yung baby powder at pinaligo mo pa yung cologne ng anak mo pero bakit di ka na kasing bango nila? Pasensiya ka na neng, ang pabango kasi ng ina na eau de lungab at agua de urea ay mejo makapit talaga sa katawan. Ikalawa, habang nag-uusap sila tungkol sa mga boylet nila, photoshoot ni ganun at ganito, gimik, party, make-up, damit, sapatos at kung anu-ano pa na iniikutan ng buhay nila, naisip mo na buti pa sila, di nila problema kung saan kukuha ng pambili ng gatas, diaper, gamot, damit, laruan at kung ano ano pa na kailangan ng anak mo. Unti-unti nararamdaman mo na tila may lumalabas na letra sa noo mo na N for nanay, yung tipong L for loser.  Oh well, kailangan mo lang naman may makausap di ba? Yung mahinggan ng adbays. Adbays ba kamo??? eh, mga dalaga sila na ang laging solusyon ay makipagbreak sa bf kapag niloko na kasingbilis ng pag-click ng change ng relationship status sa Fb. Eh, ikaw kailangan mo pang pag-isipan kung kaya mong buhayin mag-isa ang anak mo, di ka pa tapos mag-aral di ba?

Remember,di lahat ng lalaki susuporta sa anak kapag hiwalay na kayo. Tatlong klase ang lalaki, merong ipaglalaban ang kustodiya sa bata, kung keri mo na mahiwalay sa anak, go! Pero kung hindi, ihanda ang battle gear! Me mangilan ngilan din na willing sumuporta–suwerte mo pag natapat ka sa lalaking ganito, kaya ipagpatayo mo agad ng monumento. Pero karamihan ala-Harry Houdini na tinamaan ng matinding amnesia (huh! Sino ka? Sino ako? Anak???anu yun?sabay kumpas ng kamay at voila, isa na siyang kuneho!)

Hay nakow, madami pa ko puedeng idagdag diyan pero saka na lang.

Oi, open your eyes na. Huwag ka nang magmaganda diyan at di ka si sleeping beauty. Huwag mo nang dugtungan ng ibang ending, bida ka lang, ako ang writer dito. Bahala ka na kung trip mo pa ding subukan, baka nga naman iba ang ending nang kuwento mo.

At sa mga kalalakihan, pasensya na sainyo. Alam ko madami pa din matino at di naman lahat gago pero dumadami na sila (cultural thing ba ito or may bumabang spaceship galing sa Mars at binuhusan sila ng ego dust imported from milky way kaya parang gremlims na nagsisidami??? Malamang di ko masagot iyan. Kayo, ano sa tingin niyo?)

At kung di mo trip sinulat ko, eh di magsulat ka din ng kuwento mo. Pero kung plano mong umapila, dun ka sa barangay magpunta.

One comment on “On motherhood…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s